Impormasyon Tungkol sa mga Coronavirus Booster Shots (Ika-3 Pagbabakuna)(新型コロナワクチン3回目接種について)
Ang 3rd booster shots para sa pag-iwas sa COVID-19 ay inaalok na, ang proseso kung paano makuha ang iyong shot ay ang mga sumusunod.
Impormasyon Tungkol sa mga Coronavirus Booster Shots
1.Ang“pre-examination form” ay ipapadala sa iyo (kilala rin bilang yoshin-hyo/予診票)
Ang mga taong lampas sa edad na 18 na nagkaroon ng kanilang ika-2 pagbabakuna mahigit 8 buwan na ang nakalipas ay karapat-dapat para sa booster shot. Ang Lungsod ay magpapadala sa iyo ng yoshin-hyo. Ang petsa ng ika-2 pagbabakuna ay nakalista sa ibabang kaliwang sulok ng form.
※Ang yoshin-hyo ay nakakabit sa iyong dokumento ng patunay ng pagbabakuna. Huwag paghiwalayin ang dalawang ito at dalhin sila bilang isang set sa lokasyon ng pagbabakuna.
2.Magpareserba
Kapag dumating ang yoshin-hyo gumawa ng reserbasyon. Kung paano gumawa ng reserbasyon ay depende sa lokasyon ng pagbabakuna. Kung puno na ang slot, hintayin ang sususnod na period kung kailan sila muling magbubukas.
Kung nahihirapan ka tungkol sa kung paano gumawa ng reserbasyon, dalhin ang dokumentong natanggap mo sa WELSAPO Foreigner Support Desk sa 3rd floor ng Obu City Hall (Cultural Affairs Department.)
◆Magpareserba gamit ang internet, o City Call Center.
・Malaking sentro ng pagbabakuna (City Hall, Hoken Center etc.)
・Ilang ospital at klinika ang tumatanggap ng reserbasyon sa pamamagitan ng internet at City Call Center. Mahahanap mo ang lokasyong ito sa “Medical Institution List.”
- COVID-19 Website ng Pagpapareserba ng Pagbabakuna(Japanese)(外部リンク)
- Gabay sa paraan ng Reserbasyon (Tagalog)(外部リンク)
※Ang video na ito ay isang pagtuturo kung paano gumawa ng reserbasyon para sa 1st at 2nd pagbabakuna. Ang proseso para sa 3rd shot ay halos pareho.
*City Call Center(Japanese):0120-08-5544 / 0562-38-5544
◆Magpareserba gamit ang website ng ospital o klinika.
・Ang mga ospital o klinika na tumatanggap ng online na reserbasyon ay magkakaroon ng “WEB” na nakatala sa listahan.
◆Direktang magpareserba sa isang ospital o klinika sa pamamagitan ng telepono.
・Ang mga ospital o klinika na tumatanggap ng reserbasyon sa telepono ay nakalista ang kanilang numero ng telepono.
3.Punan ang “yoshin-hyo”
Gamitin ang isinaling bersyon bilang gabay upang punan ang yoshin-hyo. Kasalukuyang kaming naghahanda ngTagalog version.
4.Pagtanggap ng booster shot
Suriin ang iyong temperature sa umaga ng araw ng iyong pagbabakuna. Kung ikaw ay may lagnat o masama ang pakiramdam, makipag-ugnayan ka sa City Call Center o sa mga medical na pasilidad upang kanselahin ang iyong reserbasyon.
Sa pasilidad ng pagbabakuna, magsuot ng mask at i-sanitize ang iyong mga kamay. Mangyaring iwasang magsama ng isang tao maliban, kung ito ay tagapag-alaga. Magsuot ng damit na madaling ilantad ang bahagi ng iyong balikat
Dalhin:
(1) Ang dokumentong ipinadala sa iyo (kasama ang pre-examination form)
(2) Personal na pagkakakilanlan (Resident Card, Drivers License atbp.)
(3) Iyong Handbook ng gamot (okusuri techo)
Iba pa
□ Malaking sentro ng pagbabakuna (City Hall, Hoken Center etc.)→ Moderna(2/14~)
Ospital at klinika (Hindi kasama ang Fujita Hospital)→ Pfizer
□ Huwag tumanggap ng iba pang bakuna (influenza atbp.) sa loob ng 2 linggo bago at pagkatapos ng iyong COVID-19 booster shot.
□ Kung ang iyong kasalukuyang address at nakarehistrong address ay magkaiba:
・Mga taong kasalukuyang tumatanggap ng mahabang pangangalaga at nakatira sa isang medical o Senior Care Facility ay dapat kumunsulta sa pasilidad upang matanggap ang pagbabakuna duon.
・Mga pasyenteng may pinagbabatayang sakit na gustong tumanggap ng pagbabakuna mula sa pasilidad ng medical kung saan sila tumatanggap ng paggamot ay dapat kumunsulta .
・Kung ang iyong nakarehistrong address (ayon sa jyuuminhyo) ay iba sa kung saan ka talaga nakatira, kumunsulta sa call center ng Munisipyo sa lugar kung saan ka kasalukuyang nakatira.
・Kung lumipat ka, kunin ang pagbabakuna na natanggap mo sa koreo at magtanong sa iyong Munisipyo.
□ Maaaring ipagpaliban ang aktibidad ng pagbabakuna dahil sa babala ng panahon atbp.
□ Ang mga batang wala pang 15 taong gulang ay nangangailangan ng isang tagapag-alaga upang samahan sila.
□Ang iyong pahintulot ay kailangan para makuha ang booster vaccination. Tulad ng 1st at 2nd shot, hindi sapilitan ang 3rd shot. Kung mayroon kang mga alalahanin sa pagbabakuna mangyaring kumunsulta sa isang medikal na practitioner.
□ Ministry of Health, Labor and Welfare’s Multilingual Call Center 0120-761770. (libre araw-araw)walang Tagalog English ay mula 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi.
このページに関するお問い合わせ
市民協働部 文化交流課
電話:0562-45-6266
ファクス:0562-47-7320
市民協働部 文化交流課へのお問い合わせは専用フォームをご利用ください。