Pansamantalang Benepisyo para sa mga sambahayan na hindi kasama sa buwis sa paninirahan(住民税非課税世帯等に対する給付金)

このページの情報をツイッターでツイートできます
このページの情報をフェイスブックでシェアできます
このページの情報をラインでシェアできます

ページ番号1021248  更新日 2022年2月1日

印刷大きな文字で印刷

確認書

 ※Ang Obu City ay magpapadala ng“confirmation forms”(kakuninsho) sa kalagitnaan ng Enero 2022 sa lahat ng sambahayanan na may mababang kita.

 Upang matugunan ang iba`t ibang paghihirap na dulot ng matagal na pandemya ng COVID-19, ang Japan ay nagbibigay ng espesyal na bayad sa tulong na \100,000 sa mga sambahayanan na may mababang kita. Sambahayanan na para sa mga layunin ng buwis ay itinalagang mas mababang kita noong 2021 taon ng buwis (kilala rin bilang hikazei-setai sa Japanese), at nakarehistrong residente ng Obu City noong ika-10 ng Diyembre 2021, ay karapat-dapat para sa pagbabayad na ito(sambahayanan na mas mababa ang kita para sa mga layunin ng buwis ngunit itinalagang mga dependent(fuyō) na tumatanggap ng supporta mula sa ibang sambahayanan na hindi karapat-dapat)

Para matanggap ang bayad kailangan mong punan ang confirmation form na ipapadala sa iyo.Nakadepende ang deadine kung kailan ipinadala sa iyo ang form. Kaya kumpirmahin ang petsa sa iyong actual na confirmation form.

  ※Kung gusto mong ilipat ang bayad sa isang account maliban sa nakasaad sa iyong confirmation form, isumite ang dalawang sumusunod na item:
・Kopya ng Passbook ng banko (dapat magpakita ng branch at bank account number, na matatagpuan sa unang pahina)
・Personal na pagkakakilanlan tulad ng  Residents Card or Drivers License

 Paano magsumite: Ipadala ang dokumento na may kasamang sobre sa pagbabalik. Hindi mo kailangan ng selyo. Kung hindi mo ito mapadala sa mail maaari mo itong dalhin ng personal sa Obu City Hall, Relief Payment Window (1st floor, counter #7)

 Susuriin ng Obu City ang confirmation form at ililipat ang bayad sa mga karapat-dapat na sambahayanan. Kung kailangan mo ng tulong, dalhin ang mga nilalaman ng sobre at mga bagay na kailangan para sa aplikasyon (bank passbook, atbp.) sa WELSAPO Foreigner Support Helpdesk sa 3rd floor ng Obu City Hall (Cultural Affairs Department.)


 Ang sambahayanan na nakaranas ng “Biglaang kahirapan sa pananalapi” (kilala rin bilang kyuhen-setai) mula noong Enero 1, 2021 ay magiging karapat-dapat din para sa ibang pagbabayad. Tignan ang pahinang ito para sa aplikasyon para sa isang kabayarang tulong para sa sambahayanan na nahaharap sa biglaang paghihirap sa pananalapi (kilala rin bilang kyuhen-setai).

このページに関するお問い合わせ

市民協働部 文化交流課
電話:0562-45-6266
ファクス:0562-47-7320
市民協働部 文化交流課へのお問い合わせは専用フォームをご利用ください。